Pages

Thursday, November 27, 2014

ABS-CBN's Bagito; a healthy show for both the youth and the adult.

Video Credit to : youtube / ABS-CBN Entertainment


  Nowadays, it's hard to log into twitter and not see the bagito hashtag of the day on the trending lists. Filipino fans are very supportive of the show in social media which stars Nash Aguas as Andrew , Alexa Ilacad as Camille, and Ella Cruz as Vanessa. The show have also done strongly on Kantar National TV Ratings, registering numbers in the higher twenties which is more than ten percent better than it's competitor.

  The story is based on a wattpad novel by Noreen Capili of the same title. The plot revolves around Nash's early teen parenthood. Andrew, a 14 year old student raised by his mom Racquel, played by Angel Aquino and his stepfather Gilbert portrayed by Ariel Rivera, impregnates his first love Vanessa and must confront the challenge of being a teen parent. The interesting story and the moral lessons that can be learned from the show holds great promise for the viewers.  The characters are not unflawed and it makes them feel more alive and real . The problems they face are those that every child and parent can easily relate to, partner that with the witty screenplay and the audience can't help but be pulled by the show.

   Nash's acting performance displays his potential as a lead actor. He has been very effective in portraying his character specially on scenes where he shows the emotions that a young boy goes through. From the pain of the struggle for being a disappointment to his parents, to being mesmerized by the beauty of Vanessa, the thrilling passion of a first love, and up to the crashing realization of the gravity of the situation he had put himself, Vanessa, and his parents into.  So far, he has exceeded expectations and it is very exciting to see what more he can give to the audience as the series progresses.

   Aside from Nash, both Alexa and Ella have also done a splendid job. Alexa is lovable and charming as Drew's best friend and the on-screen chemistry she has developed with Nash from their previous team-up were very evident whenever they are both on screen. Ella meanwhile has been perfect as Vanessa.  Her beauty makes Drew's admiration more believable, and her great acting chops have given her character more depth and made it stand out so far in drama. The conflicts she faces are easily visible through the emotions she has shown. Her undeniable chemistry with Nash also makes their love-line very interesting and one can only anticipate what will happen to them in the upcoming episodes.

   The series have been a joy to watch and with the promising things that the drama team have given us, we can expect a good drama in Bagito and one that is healthy both for the story and the moral lessons.




By Mang Jose
http://masarapmagingpinoy.blogspot.com

Saturday, November 22, 2014

Enjoy Watching Pacquiao's boxing while it lasts.

Video credit to HBOsports



  Manny Pacquiao has come along way from selling doughnuts on the streets to selling pay-per-views inside the ring. It's hard not to marvel at the People's Champ's rags to riches story. A hero not so different from those we usually see in the movies. Born of humble beginnings he persevered and honed his skills to become the best version of himself  that he can be. He overcame all the obstacles that hindered his path and paved the way for Philippine Boxing. His career, though not one of perfection is undeniably one of the greatest in the history of the sport. A tale that will be told by Filipinos and boxing purists for quite a long while. 

  Most pundits believe that Pacquiao is a lock for the Boxing Hall of Fame. The great fights he has given us are countless. Some of the fights that will be remembered more than others would be his bouts against Marco Antonio Barrera, Erik Morales, Juan Manuel Marquez, and Oscar dela Hoya. With the help of  trainer Freddie Roach, fans have seen him develop from a heavy hitting southpaw into one of the most dynamic fighters in boxing.  Winning world titles in different divisions against formidable foes helped make Manny one of  the most popular athletes in the world.

   As he enters his 64th fight against Chris Algieri at the Cotai Arena in the Venetian Macao, one can't help but wonder how many more times we will see the great champion fight inside the boxing ring. Aside from boxing, he has devoted himself to various other fields such as politics, basketball, and religious endeavors. Pacquiao is not just a boxing hero but also many other things to Filipinos and his fans. More than anything he has been a great inspiration. A living proof that hardwork, faith, perseverance, and humilty will help us achieve our dreams. That there is always hope for those that dare to dream and take action.

  There is a saying that " All good things must come to an end". Eventually there will be a time when Pacquiao will retire from boxing. When? That is a question that only he and father time can answer. What we can do as spectators is to enjoy the boxing brilliance that he displays and appreciate that we were able to watch one of the best of all time do his stuff.


By Mang Jose
http://masarapmagingpinoy.blogspot.com

Friday, October 24, 2014

3 reasons kung bakit magiging success ang JOSHANE.

video credit to joshane OFC / Youtube


   Ilang buwan na rin ang nakalipas mula ng matapos ang Pinoy Big Brother All In.  Isa sa mga naging pinaka napag-usapan na housemate ay ang teen celebrity na si Jane Oineza. Kilala si Jane bilang dating child star  at miyembro ng kiddie program ng ABS CBN na Going Bulilit. Umani rin siya ng papuri at pagkilala para sa kanyang mahusay na pagganap bilang Nene sa episode na Manika ng Maalaala Mo Kaya noong 2012.

  Isa si Joshua Garcia sa mga naging malalapit na kaibigan ni Jane sa loob ng Big Brother house. Sa gitna ng ibat-ibang mga pagsubok at issues na hinarap ni Jane sa loob ng bahay ni kuya, laging naka suporta at naka-alalay ang binata mula sa Bauan, Batangas sa kanya. Dahil sa pagiging malapit ng dalawa, nakakuha sila ng maraming supporters na hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin na nagma-mahal sa kanila.
 Tinatawag na JOSHANE ang kanilang team-up ng kanilang mga fans.

  Hindi natin masasabi kung ano ang mangyayari sa kinabukasan lalo na't hindi naman tayo manghuhula pero sa aking paningin ay malaki ang posibilidad na maging success ang  JOSHANE.
  Ito ang aking mga rason;

1.) Chemistry.
 
  Importante para sa isang Love-Team o palabas na may malakas na chemistry ang mga bida. Kahit parehas
maganda at guwapo ang mga artista kapag hindi naman sila bagay ay mahirap mag-succeed ang kanilang mga palabas. Nakagawian na kasi ng mga Pinoy viewers ang kiligin sa mga paborito nilang team-ups. Ang chemistry na nagpapa-kilig sa mga fans ay isa sa pinaka importanteng dahilan kung bakit sinusuportahan at pinapanood ang mga Love-Teams.
  Napatunayan na ang chemistry ng JOSHANE noong sila ay nasa loob pa lamang ng Bahay Ni Kuya. Makailang beses naging usap-usapan ang mga kilig moments ng dalawa pati na rin ang kanilang mga tampuhan. Masasabing ang "away-bati" love story ng dalawa sa loob ng PBB ang isa sa mga naging interesanteng topics ng big brother season.

2.) Acting Ability / Potential

  Kahit sobrang lakas na ng chemistry ng isang love-team, napaka laking factor pa rin na mabigyan nila ng buhay ang mga karakter na kanilang gagampanan. Ang kanilang husay at epektibong pagganap ay magiging isa sa mga sukatan kung patuloy silang panonoorin ng mga viewers. Ang aspetong ito sa aking pananaw ay magiging magandang advantage para sa JOSHANE.
  Matagal nang napansin ang kagalingan ni Jane sa larangan ng acting. Napakarami na ring manonood ang kanyang napa-iyak sa mga hindi niya malilimutang performances sa Maalaala mo Kaya.
  Habang si Joshua naman ay napansin na din ang natural na potensyal sa acting nang mapasali sa weekly task na Short Film sa PBB  kasama ang batikang direktor na si Ms. Cathy Garcia-Molina. Marami ang nakapansin sa expressive eyes ng binata na isang natural na katangian para maging epektibong dramatic actor.
  Sa pamamagitan ng hard work, workshops, at mahusay na paghubog ng Star Magic, malayo ang mararating ng dalawa kung acting lang ang pag-uusapan.


3.) Fans / Supporters.


  Sa huli, ang mga taga-hanga pa rin ang magdadala sa isang Love-Team. Masasabing isa sa mga pinaka aktibo na fandoms ang JOSHANE sa social media lalo na sa "Twitter". Hindi ko mabilang kung ilang beses na nag trend ang JOSHANE. Nagkaroon din ng isang matagumpay na "Grandest Get Together" na siyang inorganisa ng kanilang mga fans para sa kanilang dalawa, ilang kilalang tao na part ng ABS, Dreamscape at Star Cinema pati  na rin mga miyembro ng press. Magiging malaking tulong para sa team-up ng dalawa kung patuloy na magiging masugid ang kanilang mga supporters.

  At sa mga kadahilanang ito kung kaya ako naniniwala na maganda ang hinaharap ng JOSHANE lalo na at mainit ang supporta na kanilang natatanggap mula sa kanilang mga tagahanga.

  Nakatakda sina Joshua at Jane na magsama sa isang teleserye sa dos na may titulong "Nasaan ka Nang
Kailangan Kita" kasama ang isa pang Pbb All In housemate na si Loisa Andalio. Kaabang-abang din ang muling pagbabalik ni Jane Oineza sa Maalaala Mo Kaya sa Sabado(October 25, 2014).



By Mang Jose
(masarapmagingpinoy.blogspot.com)

Wednesday, October 22, 2014

Legendary 90's Purefoods team ng PBA.

   

   Muling ibinalik ng  San Miguel Pure Foods Company, Inc ang pangalang Purefoods sa PBA. Mula San Mig Coffee Mixers makikilala ngayon ang prankisa sa pangalang Purefoods Star Hotshots. Maituturing na successful ang tinaguriang James Yap era ng prankisa at sa katunayan ay kagagaling lang ng team sa Grand Slam sa ilalim ng mahusay na pamumuno ni Coach Tim Cone. Ngunit hindi rin malilimutan ng mga loyal fans ng prankisa ang mga players at coaches noong 90's.

  Hanggang sa ngayon kapag naririnig ko ang  mga salitang Purefoods at Basketball na magkasama ay naaalala ko pa rin ang mga sikat na players ng  team noong 90's gaya nina Captain Lionheart Alvin Patrimonio, Jerry Codiñera, Rey Evangelista, Dindo Pumaren, Bong Ravena, Olsen Racela atbp.  Isa sa mga pinaka mahusay na teams noong 90's ang Purefoods lalong-lalo na pagdating sa All-Filipino Conference. Naglaro din para sa purefoods ang iba pang mga sikat na players gaya nina El Presidente Ramon Fernandez, Abet Guidaben, Bernie Fabiosa, Freddie Hubalde, Jojo Lastimosa, Glen Capacio, Vince Hizon, Boy Cabahug, etc.

(video credit to uploader Czar Julius from Youtube)

    Sa dinami-dami ng magagaling na players na naglaro sa Purefoods franchise, si Alvin Patrimonio pa rin talaga ang masasabing pinaka-tumatak sa tao. Sa kanyang leadership at hardwork na ipanakita sa basketball court, natulungan niya ang kanyang koponan na makapaglaro at manalo ng maraming Championships. Hirap na hirap noon ang mga kalaban na limitahan ang opensa ni Patrimonio dahil sa galing niya sa low-post area. Sa pamamagitan ng kanyang spin moves at mahusay na pag gamit ng kanyang pivot foot, maituturing na isang matinding pwersa si kapitan sa low post  area. Nakamit niya ang PBA Most Valuable Player ng apat na beses at makailang ulit din siyang naging Mythical Team member.  Kahit sobrang dami ng taga-hanga, si Cap. Alvin ay isa sa mga mapagkumbabang players at sportsman ng liga.

  Kung si Patrimonio ang maituturing na pambato ng Purefoods, hindi rin pahuhuli si Jerry Codiñera. Siya ang
nagsilbing isa sa mga haligi ng team at ang kanyang  inside defense,rebounding, at magandang partnership kay Alvin ang nagbigay ng Twin-tower presence sa prankisa at nagdala sa kanila sa Championships. Dahil sa kanyang pagiging terror sa depensa lalo na sa ilalim ng basket, binigyan siya ng moniker na "Defense Minister". Kasama si Alvin, isa rin si Jerry sa mga tinanghal na 25 Best Players of all Time of PBA.
    Sa sikat ng partnership ng dalawa sa court, nakasama sila sa ilang mga sikat na pelikula noong 90's. 

   Sa kasalukuyan ay nagsisilbi pa rin si Alvin Patrimonio sa Purefoods bilang team Manager. Habang sa ika 9 ng Nobyembre ngayong 2014 ay makakasama na ng numero ni Kap na #16 ang mga numerong #44 at  #7 bilang mga retired numbers ng team kasama sina Jerry Codiñera at Rey Evagelista.


By Mang Jose
(masarapmagingpinoy.blogspot.com)

15 year old Filipino-American Singer Katriz Trinidad making waves on the Voice US.


Katriz Trinidad aged 15 is making her mark on the seventh season of The Voice US. Featuring coaches Adam Levine, Gwen Stefani, Pharrell Williams and Blake Shelton, the show is one of the most popular reality television singing competitions in the States. Katriz was born to a Filipino family who lives in San Diego Area/ Chula Vista, California that originated from Batangas, Philippines. With her beautiful charm and amazing voice she is sure to captivate everyone.
 
   She first wowed the audience and coaches when she sang Etta James'  "At Last" and got a three-chair turn from the coaches on her blind audition (Adam Levine was reported to have a full team by the time she auditioned; the auditions weren't shown in order on tv according to some reports). She received wonderful praises from the coaches.
   "I never thought that I would find something that I'd usually look for my own label; that I'd been dreaming for an artist like you all my career," said Pharrell Williams. "Just remember these words: I want you on my team so bad and I've never done this. I'm on my knee."
   Blake Shelton, the winning-est coach in the Voice, offered his thought; "All of us, at the back of our minds, keep the hope alive that somehow we’ll find someone who was born to be a star and I really think you could be that person. You're so different. You deserve to win this thing,"
  Gwen Stefani had kind words for her as well ; "You started of soft and controlled and then you hit a note that was so beautiful and it was just mind blowing. And to find out that it’s from a 15-year-old voice, it’s hard to really take it all in,"
  Pharrell wrote the word 'Please' on his notebook to further convince her. The young Filipina then picked Williams as her coach.

   During the battle rounds she got to work with one of her idols, Alicia Keys, who was helping Pharrell coach his artists. She was pitted against Nigerian Singer-Songwriter Blessing Offor. Though he is visually impaired, like Katriz he also possess an amazing voice and is a charismatic singer. The song they performed was Stevie Wonder's "Do I Do". Although the song suited Blessing more, Katriz was able to win the battle and continue with team Pharell and move on to the next stage of the competition while Blessing was stolen by Adam.

  As fellow Filipinos we can't help but feel pride whenever we see our countrymen doing well in other countries. Katriz Trinidad is showing the world how talented Pinoys are and we can show her our support as she continues her journey on the Voice season 7.  She is an amazing singer with a very beautiful future. Go Katriz!


By Mang Jose
(masarapmagingpinoy.blogspot.com)

Tuesday, October 21, 2014

Star Cinema's The Trial: Nagbigay ng Pag-asa sa Pelikulang Filipino.




  Kung imkukumpara ang industriya ng pelikula sa ngayon at noong 80's at 90's, masasabing hindi na kasing sigla tulad ng dati ang pelikulang Pinoy. Bukod sa kaunti na lang ang mga ipinapalabas na main-stream movies at production outfits, tila nakulong na sa mga istorya ng pangagaliwa sa asawa, komedya, rom-coms at horror ang mga ipinapalabas. Bagama't patuloy pa rin na tinatangkilik ng mga manonood ang mga ganitong klase ng pelikula, nalilimitahan naman ang mga  manonood.
 
  Maituturing na isang sugal ang paglabas ng Star Cinema nang pelikulang ito. Naiiiba kumpara sa mga nakasanayan nang palabas na Rom-Coms at Comedies na siguradong pa-patok sa takilya at mga fans. Bagama't makailang ulit ng napatunayan ni John Lloyd Cruz ang kanyang hatak sa mga manonood, hindi pa rin nasusubukan kung tatangkilikin ang isang bago at naiibang tema na pelikula.

  Napakaganda ng feedback ng The Trial at nagandahan ng husto ang mga manonood.  Sa husay ng panunulat at pambihirang pag-ganap ng cast ay nabigyang buhay ni Direk Chito Roño ang isang kwento ng pag-ibig at pagpapatawad.  Maituturing na isang obra ang The Trial at inspirasyon para sa pelikulang FIlipino.

   Hindi natin dapat palampasin ang pelikula kung nais natin na patuloy na gumawa ng ganitong mga bago at
naiibang tema ang mga malalaking production outfits. Nauna na ang Star Cinema sa paghandog ng isang pelikula na naiiba at maipagmamalaki. Ngayon nakasalalay na sa ating mga manonood na sumuporta at tumangkilik. 




By Mang Jose
(masarapmagingpinoy.blogspot.com)

Si Manny Pacquiao at ang Basketball.

(photo from wikimedia/dann_garcia)

 Noong nakaraang araw ng Linggo (October 19,2014) muli na namang lumaban ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao. Sa halip na sa loob ng boxing ring ay sa magkabilang rings ng basketball sumabak ang
Congressman.  Sa harap ng mahigit limampung-libong katao sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan ay naglaro si Pacquiao para sa Kia Sorento sa panalo nito kontra sa Blackwater Elite.

  HIndi maganda ang naging laro ni Manny kung ang stats o mga numero lamang ang pagba-basehan. Naglaro lamang siya ng pitong-minuto at  hindi rin siya nakatira o naka-shoot. Naagawan din si Pacquiao ng bola at ang pinaka tumatak na error niya sa laro ay nang hindi niya masalo ng maayos ang sana'y magandang pasa mula sa rookie na si Joshua Webb na nagresulta sa isang turnover. May mga pumuna na mukhang hindi pang PBA ang skills ni Pacman. Bagama't pambihira ang talas ng mata, bilis, lakas ng katawan at pag-iisip ni Manny, kulang ang kanyang experience at training sa paglalaro ng basketball kumpara sa mga propesyonal na players ng PBA. Hindi rin masyadong focus si Manny sa basketball sa ngayon dahil kasalukuyan siyang naghahanda para sa laban niya kay Chris Algieri sa November 23 sa Macau. Inaasahang magiging husto ang partipasyon ng Boxing Icon sa team matapos ang naturang laban.
 
  Gayunpaman, hindi rin maikakaila na may potensyal si Manny na maging mahusay na basketball player kung magkakaroon lamang siya ng sapat na ensayo, pag-aaral, at karanasan dito. Napakataas ng natural na kakayahan ni Pacman pagdating sa sports.
  
  Hindi rin naman kailangan ng Pambansang Kamao na humakot ng puntos para sa team dahil ang kanyang role ay ang isang Player-Coach. Kung matutulungan niya ang koponan sa pamamagitan ng pag-setup ng mga plays at pagbibigay ng inspirasyon sa kanyang mga players, maituturing na nagawa na niya ng mahusay ang kanyang tungkulin. Ang dedikasyon ni Pacquiao sa pag-eensayo ay magigigng magandang halimbawa rin sa kanyang mga players.
  Pagdating naman sa kanyang kakayahan sa pag-Coach, bagamat hindi kasing lalim ng mga professional coaches ang kaalaman ni Manny sa mga teknikalidad ng sport, mahuhusay naman ang kanyang coaching staff at  mapupunan nila ng maigi ang mga kakulangan sa karanansan ng idolo.  Ang inspirasyon at kaalaman din na maibibigay ni Pacquiao sa kanyang koponan bilang Magiting na Kampyon ay hindi rin matatawaran. Sa larong basketball napakaraming factor na maaring makapag-panalo sa team.

  Bilang isang fan masasabi ko na maganda ang naging laro ni Manny dahil naparakaraming tao ang kanyang
napasaya noong Linggo. Maririnig ang excitement at cheers ng mga fans sa tuwing mahahawakan niya ang bola. Masaya na rin ako kahit hindi pa kasing galing ni James Yap si Pacquiao. Ang importante napapanood ko ang idolo ko na masayang naglalaro ng basketball.

  Masasabing positibo ang epekto ng pagpasok ng kampyon sa PBA.. Malapit kasi sa puso ng mga Pinoy ang laro at gayundin din si Manny. Sa pagpasok ng koponang KIA sa PBA nagkaroon din ng mas maraming opurtunidad ang mga players na makapaglaro. Maari rin na madagdagan ang mga taga-hanga ng liga dahil sa atensiyon na madadala ni Pacquiao sa liga.


By Mang Jose
(masarapmagingpinoy.blogspot.com)

Monday, September 8, 2014

Eraserheads : Ang Banda ng Masa.



   Sino ba namang teen or adult noong 90's ang hindi nakakakilala sa bandang Eraserheads? Lahat ata ng kabataan at mga mahihilig sa musika ay inidolo sina Ely, Marcus, Raimund, at Buddy. Kuhang-kuha kasi ng mga awitin nila ang damdamin ng mga pinoy. Sikat na sikat noon sa eskuwelahan ang mga kanta nila at tampok ito palagi ng mga kwentuhan. Iwan ka sa usapan kapag hindi mo pa naririnig o wala ka pang kopya ng bago nilang kanta.

   Tandang-tanda ko pa noong unang beses kong napakinggan ang kantang Pare Ko. Noon kasing 90's big deal pa sa mga kabataan yung foul language o pagmumura.  Maririning lang yung mura sa cassette version ng album hindi sa censored version na pinapatugtog sa radyo. Pinalitan kasi ng "walang hiya" yung foul word sa radyo para hindi ma-censor at maaaring patugtugin sa ere. Pero astig pa rin.

   Hindi pa uso noon ang MP3 files or CD, kaya sa cassette tape pa nakalagay ang albums ng mga
singers/bands. Hindi pa din laganap ang mga pirata. Kung gusto mo ng libreng kopya, kailangan mo pang bumili ng blanko o lumang tape para kopyahan/mapatungan ng kaibigan mong may recorder. Yung mga mati-tiyaga naman todo abang sa mga FM stations para patugtugin sa ere  yung paborito nilang kanta ng E-heads at saka nila ire-record.
 
  Masasabing isa ang banda sa mga nanguna sa pagsikat ng mga OPM bands dati. Patok na patok talaga ang OPM rock. Sa tuwing maglalakad ka sa labas may makikita kang nag-gigitara o di kaya may hawak na Songhits.  Nakakatawa pag na-alala ko yung mga kulitan o agawan ng Songhits sa classroom. Biglang uso din yung mga nag-aaral ng gitara dati at isa ako sa mga sumubok matuto. 'Yung intro ng alapaap ang paborito ko noon pag-aralan.

  Sunod-sunod yung mga hit songs at albums ng Eraserheads dati. Hindi ko na papangalanan ang mga ito kasi magmu-mukhang listahan ang artikulong ito sa dami nila. Sa lahat ng mga hit songs ng banda, masasabi kong ang Huling El Bimbo ang pinaka tumatak sa akin. Masarap pakinggan at nakaka-LSS( Last Song Syndrome) ang bridge ng kanta na "la la la la.... ".  Ni-release ang kanta noong 1995 at mainit itong tinang-kilik ng mga tagapakinig.  Ang music video din ng kantang ito ang nagpanalo sa banda ng International Viewer's Choice Awards for Asia' sa 1997 MTV Video Music Awards. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nanalo ng Moon Man trophy ang isang Filipino act.

   HIndi ko pa naintindihan sa una yung meaning ng kanta. Bata pa kasi ako noon at akala ko tungkol lang sa sikat na sayaw nung araw ang kanta. Hindi ko rin kilala kung sino si Paraluman. Pinaliwanagan lang ako ng aking Tito noon na siya daw ay isang napaka-gandang aktres ng Sampaguita Pictures noong araw. Makalipas ang ilang taon at ng aking pagbibinata, doon ko naintindihan kung gaano kaganda pala ang istorya na nilalarawan ng awiting iyon.  Tungkol pala ito sa first love.ng narrator. Isang pag-ibig na nabuo mula sa pagsa-sayaw nila ng El Bimbo at kung paanong nawalan na ng pagkakataon na masuklian pa ng kanyang minamahal ang pag-ibig na kanyang nararamdaman.  Mahusay na nailarawan ng awitin ang mga damdamin na nararamdan ng isang umiibig at madali nitong napukaw ang puso ng mga tagapakinig. Lalo akong humanga sa kakayahan sa pagsulat ng banda dahil dito.

   Nabuwag man ang banda noong 2002, maririnig pa rin ang tunog ng Eraserheads bilang impluwensiya sa mga bandang aktibo ngayon. Marami pa rin ang sumusuporta sa mga reunion concerts at mga events ng banda. Kamakailan lang ay naglabas ng dalawang bagong awitin ang Eraserheads (ang mga kantang "1995" at  "Sabado" ) sa tulong ng Esquire Philippines matapos ang mahigit isang dekada. 
  
   Hindi maikakaila ang napakalaking kontribusyon nina Ely, Raimund, Buddy, at Marcus sa OPM.
Tadhana lang ang makapagsa-sabi kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Ang nakati-tiyak lamang, ay ang katotohanan na hindi malilimutan ang kanilang mga awiting nagpasaya at nagpahanga sa mga Plipino.. Mabuhay ang banda ng masa.





By Mang Jose (masarapmagingpinoy.blogspot.com)





Monday, September 1, 2014

Sa wakas nakapag-pakitang GILAS din ang Pilipinas sa larangan ng basketball.

photo by Fiba.com

   Sino ba namang Filipino ang hindi maantig sa puso at laban na ipinakita ng ating mga manlalaro sa unang dalawang laro nila sa FIBA World Cup na ginaganap sa Spain?
Sa bawat rebound, dribble, pasa, at shoot na binibitiwan nina Blatche, Castro, Pingris, Norwood, Jeff Chan atbp., makapigil hininga ang suspense na nararamdaman nating mga Pinoy. Kahanga-hanga din ang supporta na ipinapakita ng ating mga kababayang OFW na nagbibigay ng lakas at supporta sa mga players sa  pamamagitan ng pag cheer mula sa stands.

    Hindi man nagwagi ang koponan naipakita naman nila sa buong mundo ang husay at tapang ng Pinoy. laban talaga kung laban ang mga players kahit lamang na lamang ang mga banyaga pagdating sa height na isa sa mga mahahalagang aspeto ng larong Basketball. Kahit sa paliga sa baranggay kitang-kita ang kalamangan ng mga matatangkad pagdating sa sport na ito. 

    Sa pamamagitan ng bilis, tiwala sa isa't-isa,  at mabuting paghahanda ng coaching staff, nagagawa ng Gilas na makipagsabayan sa mga higher ranking teams sa FIBA. 34th lamang ang Pilipinas  sa  FIBA ranking habang ang Croatia ay 16th at ang Greece ay isa sa pinakamalakas na team sa buong mundo na nasa ika limang pwesto (5th). Napakalaking bagay na nagawa ng GILAS na panatilihing dikit ang score at ang hindi matambakan ng husto.  Kahit sino siguro na may kaalaman sa larong basketball ay hindi maikakaila na may laban ang manlalaro natin sa mga dayuhan. Susunod na makakalaban ng Gilas ang pamosong koponan ng Argentina na no.3 sa buong mundo at kilala sa pagtalo sa mga NBA players ng Team USA noong 2004 at pagkapanalo ng Gold sa Olympics.

    Hindi matatawaran ang sakripisyo at paghihirap ng mga player para sa bayan.  Bagamat pagod na ang karamihan ng mga players galing sa mahabang season ng PBA ay todo banat parin sila pagdating sa hardcourt. Pambihira din ang dedikasyon at puso na ipinapakita ng naturalized player na si Andray Blatche. Kahit injured ay pinili nyang maglaro sa court dahil sa paghanga nya sa kanyang mga kakampi na bagamat mas maliliit ay lumalaban ng sabayan sa malalaking Europeans. Kung may duda pa sa pagkakasali ni Blatche sa Gilas ay napatunayan na ng malaking mama na hindi nagkamali ang Pilipinas sa pagtanggap sa kanya bilang Filipino.

Kapuri-puri din ang ipinakitang galing ni coach Chot Reyes sa  ppagdala sa team sa puntong ito ng kasaysayan ng Basketball sa Pilipinas. Saludo ang marami sa husay at dedikasyon ni coach chot at ng kanyang staff. Gayun din sa mga pamunuan ng kopononan.

Masarap makita na nagbunga ang programa na kanilang sinimulan para sa bayan. Ang sarap isigaw ang mga salitang "Laban Pilipinas! Puso!" habang nanunood ng mga laban. Ang sarap maging Pinoy.



By: Mang Jose (masarapmagingpinoy.blogspot.com)