Maituturing na isang sugal ang paglabas ng Star Cinema nang pelikulang ito. Naiiiba kumpara sa mga nakasanayan nang palabas na Rom-Coms at Comedies na siguradong pa-patok sa takilya at mga fans. Bagama't makailang ulit ng napatunayan ni John Lloyd Cruz ang kanyang hatak sa mga manonood, hindi pa rin nasusubukan kung tatangkilikin ang isang bago at naiibang tema na pelikula.
Napakaganda ng feedback ng The Trial at nagandahan ng husto ang mga manonood. Sa husay ng panunulat at pambihirang pag-ganap ng cast ay nabigyang buhay ni Direk Chito Roño ang isang kwento ng pag-ibig at pagpapatawad. Maituturing na isang obra ang The Trial at inspirasyon para sa pelikulang FIlipino.
Hindi natin dapat palampasin ang pelikula kung nais natin na patuloy na gumawa ng ganitong mga bago at
naiibang tema ang mga malalaking production outfits. Nauna na ang Star Cinema sa paghandog ng isang pelikula na naiiba at maipagmamalaki. Ngayon nakasalalay na sa ating mga manonood na sumuporta at tumangkilik.
By Mang Jose
(masarapmagingpinoy.blogspot.com)