![]() |
(photo from wikimedia/dann_garcia) |
Noong nakaraang araw ng Linggo (October 19,2014) muli na namang lumaban ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao. Sa halip na sa loob ng boxing ring ay sa magkabilang rings ng basketball sumabak ang
Congressman. Sa harap ng mahigit limampung-libong katao sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan ay naglaro si Pacquiao para sa Kia Sorento sa panalo nito kontra sa Blackwater Elite.
HIndi maganda ang naging laro ni Manny kung ang stats o mga numero lamang ang pagba-basehan. Naglaro lamang siya ng pitong-minuto at hindi rin siya nakatira o naka-shoot. Naagawan din si Pacquiao ng bola at ang pinaka tumatak na error niya sa laro ay nang hindi niya masalo ng maayos ang sana'y magandang pasa mula sa rookie na si Joshua Webb na nagresulta sa isang turnover. May mga pumuna na mukhang hindi pang PBA ang skills ni Pacman. Bagama't pambihira ang talas ng mata, bilis, lakas ng katawan at pag-iisip ni Manny, kulang ang kanyang experience at training sa paglalaro ng basketball kumpara sa mga propesyonal na players ng PBA. Hindi rin masyadong focus si Manny sa basketball sa ngayon dahil kasalukuyan siyang naghahanda para sa laban niya kay Chris Algieri sa November 23 sa Macau. Inaasahang magiging husto ang partipasyon ng Boxing Icon sa team matapos ang naturang laban.
Gayunpaman, hindi rin maikakaila na may potensyal si Manny na maging mahusay na basketball player kung magkakaroon lamang siya ng sapat na ensayo, pag-aaral, at karanasan dito. Napakataas ng natural na kakayahan ni Pacman pagdating sa sports.

Hindi rin naman kailangan ng Pambansang Kamao na humakot ng puntos para sa team dahil ang kanyang role ay ang isang Player-Coach. Kung matutulungan niya ang koponan sa pamamagitan ng pag-setup ng mga plays at pagbibigay ng inspirasyon sa kanyang mga players, maituturing na nagawa na niya ng mahusay ang kanyang tungkulin. Ang dedikasyon ni Pacquiao sa pag-eensayo ay magigigng magandang halimbawa rin sa kanyang mga players.
Pagdating naman sa kanyang kakayahan sa pag-Coach, bagamat hindi kasing lalim ng mga professional coaches ang kaalaman ni Manny sa mga teknikalidad ng sport, mahuhusay naman ang kanyang coaching staff at mapupunan nila ng maigi ang mga kakulangan sa karanansan ng idolo. Ang inspirasyon at kaalaman din na maibibigay ni Pacquiao sa kanyang koponan bilang Magiting na Kampyon ay hindi rin matatawaran. Sa larong basketball napakaraming factor na maaring makapag-panalo sa team.
Bilang isang fan masasabi ko na maganda ang naging laro ni Manny dahil naparakaraming tao ang kanyang
napasaya noong Linggo. Maririnig ang excitement at cheers ng mga fans sa tuwing mahahawakan niya ang bola. Masaya na rin ako kahit hindi pa kasing galing ni James Yap si Pacquiao. Ang importante napapanood ko ang idolo ko na masayang naglalaro ng basketball.
Masasabing positibo ang epekto ng pagpasok ng kampyon sa PBA.. Malapit kasi sa puso ng mga Pinoy ang laro at gayundin din si Manny. Sa pagpasok ng koponang KIA sa PBA nagkaroon din ng mas maraming opurtunidad ang mga players na makapaglaro. Maari rin na madagdagan ang mga taga-hanga ng liga dahil sa atensiyon na madadala ni Pacquiao sa liga.
By Mang Jose
(masarapmagingpinoy.blogspot.com)