Pages

Wednesday, October 22, 2014

Legendary 90's Purefoods team ng PBA.

   

   Muling ibinalik ng  San Miguel Pure Foods Company, Inc ang pangalang Purefoods sa PBA. Mula San Mig Coffee Mixers makikilala ngayon ang prankisa sa pangalang Purefoods Star Hotshots. Maituturing na successful ang tinaguriang James Yap era ng prankisa at sa katunayan ay kagagaling lang ng team sa Grand Slam sa ilalim ng mahusay na pamumuno ni Coach Tim Cone. Ngunit hindi rin malilimutan ng mga loyal fans ng prankisa ang mga players at coaches noong 90's.

  Hanggang sa ngayon kapag naririnig ko ang  mga salitang Purefoods at Basketball na magkasama ay naaalala ko pa rin ang mga sikat na players ng  team noong 90's gaya nina Captain Lionheart Alvin Patrimonio, Jerry Codiñera, Rey Evangelista, Dindo Pumaren, Bong Ravena, Olsen Racela atbp.  Isa sa mga pinaka mahusay na teams noong 90's ang Purefoods lalong-lalo na pagdating sa All-Filipino Conference. Naglaro din para sa purefoods ang iba pang mga sikat na players gaya nina El Presidente Ramon Fernandez, Abet Guidaben, Bernie Fabiosa, Freddie Hubalde, Jojo Lastimosa, Glen Capacio, Vince Hizon, Boy Cabahug, etc.

(video credit to uploader Czar Julius from Youtube)

    Sa dinami-dami ng magagaling na players na naglaro sa Purefoods franchise, si Alvin Patrimonio pa rin talaga ang masasabing pinaka-tumatak sa tao. Sa kanyang leadership at hardwork na ipanakita sa basketball court, natulungan niya ang kanyang koponan na makapaglaro at manalo ng maraming Championships. Hirap na hirap noon ang mga kalaban na limitahan ang opensa ni Patrimonio dahil sa galing niya sa low-post area. Sa pamamagitan ng kanyang spin moves at mahusay na pag gamit ng kanyang pivot foot, maituturing na isang matinding pwersa si kapitan sa low post  area. Nakamit niya ang PBA Most Valuable Player ng apat na beses at makailang ulit din siyang naging Mythical Team member.  Kahit sobrang dami ng taga-hanga, si Cap. Alvin ay isa sa mga mapagkumbabang players at sportsman ng liga.

  Kung si Patrimonio ang maituturing na pambato ng Purefoods, hindi rin pahuhuli si Jerry Codiñera. Siya ang
nagsilbing isa sa mga haligi ng team at ang kanyang  inside defense,rebounding, at magandang partnership kay Alvin ang nagbigay ng Twin-tower presence sa prankisa at nagdala sa kanila sa Championships. Dahil sa kanyang pagiging terror sa depensa lalo na sa ilalim ng basket, binigyan siya ng moniker na "Defense Minister". Kasama si Alvin, isa rin si Jerry sa mga tinanghal na 25 Best Players of all Time of PBA.
    Sa sikat ng partnership ng dalawa sa court, nakasama sila sa ilang mga sikat na pelikula noong 90's. 

   Sa kasalukuyan ay nagsisilbi pa rin si Alvin Patrimonio sa Purefoods bilang team Manager. Habang sa ika 9 ng Nobyembre ngayong 2014 ay makakasama na ng numero ni Kap na #16 ang mga numerong #44 at  #7 bilang mga retired numbers ng team kasama sina Jerry Codiñera at Rey Evagelista.


By Mang Jose
(masarapmagingpinoy.blogspot.com)