Pages

Friday, October 24, 2014

3 reasons kung bakit magiging success ang JOSHANE.

video credit to joshane OFC / Youtube


   Ilang buwan na rin ang nakalipas mula ng matapos ang Pinoy Big Brother All In.  Isa sa mga naging pinaka napag-usapan na housemate ay ang teen celebrity na si Jane Oineza. Kilala si Jane bilang dating child star  at miyembro ng kiddie program ng ABS CBN na Going Bulilit. Umani rin siya ng papuri at pagkilala para sa kanyang mahusay na pagganap bilang Nene sa episode na Manika ng Maalaala Mo Kaya noong 2012.

  Isa si Joshua Garcia sa mga naging malalapit na kaibigan ni Jane sa loob ng Big Brother house. Sa gitna ng ibat-ibang mga pagsubok at issues na hinarap ni Jane sa loob ng bahay ni kuya, laging naka suporta at naka-alalay ang binata mula sa Bauan, Batangas sa kanya. Dahil sa pagiging malapit ng dalawa, nakakuha sila ng maraming supporters na hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin na nagma-mahal sa kanila.
 Tinatawag na JOSHANE ang kanilang team-up ng kanilang mga fans.

  Hindi natin masasabi kung ano ang mangyayari sa kinabukasan lalo na't hindi naman tayo manghuhula pero sa aking paningin ay malaki ang posibilidad na maging success ang  JOSHANE.
  Ito ang aking mga rason;

1.) Chemistry.
 
  Importante para sa isang Love-Team o palabas na may malakas na chemistry ang mga bida. Kahit parehas
maganda at guwapo ang mga artista kapag hindi naman sila bagay ay mahirap mag-succeed ang kanilang mga palabas. Nakagawian na kasi ng mga Pinoy viewers ang kiligin sa mga paborito nilang team-ups. Ang chemistry na nagpapa-kilig sa mga fans ay isa sa pinaka importanteng dahilan kung bakit sinusuportahan at pinapanood ang mga Love-Teams.
  Napatunayan na ang chemistry ng JOSHANE noong sila ay nasa loob pa lamang ng Bahay Ni Kuya. Makailang beses naging usap-usapan ang mga kilig moments ng dalawa pati na rin ang kanilang mga tampuhan. Masasabing ang "away-bati" love story ng dalawa sa loob ng PBB ang isa sa mga naging interesanteng topics ng big brother season.

2.) Acting Ability / Potential

  Kahit sobrang lakas na ng chemistry ng isang love-team, napaka laking factor pa rin na mabigyan nila ng buhay ang mga karakter na kanilang gagampanan. Ang kanilang husay at epektibong pagganap ay magiging isa sa mga sukatan kung patuloy silang panonoorin ng mga viewers. Ang aspetong ito sa aking pananaw ay magiging magandang advantage para sa JOSHANE.
  Matagal nang napansin ang kagalingan ni Jane sa larangan ng acting. Napakarami na ring manonood ang kanyang napa-iyak sa mga hindi niya malilimutang performances sa Maalaala mo Kaya.
  Habang si Joshua naman ay napansin na din ang natural na potensyal sa acting nang mapasali sa weekly task na Short Film sa PBB  kasama ang batikang direktor na si Ms. Cathy Garcia-Molina. Marami ang nakapansin sa expressive eyes ng binata na isang natural na katangian para maging epektibong dramatic actor.
  Sa pamamagitan ng hard work, workshops, at mahusay na paghubog ng Star Magic, malayo ang mararating ng dalawa kung acting lang ang pag-uusapan.


3.) Fans / Supporters.


  Sa huli, ang mga taga-hanga pa rin ang magdadala sa isang Love-Team. Masasabing isa sa mga pinaka aktibo na fandoms ang JOSHANE sa social media lalo na sa "Twitter". Hindi ko mabilang kung ilang beses na nag trend ang JOSHANE. Nagkaroon din ng isang matagumpay na "Grandest Get Together" na siyang inorganisa ng kanilang mga fans para sa kanilang dalawa, ilang kilalang tao na part ng ABS, Dreamscape at Star Cinema pati  na rin mga miyembro ng press. Magiging malaking tulong para sa team-up ng dalawa kung patuloy na magiging masugid ang kanilang mga supporters.

  At sa mga kadahilanang ito kung kaya ako naniniwala na maganda ang hinaharap ng JOSHANE lalo na at mainit ang supporta na kanilang natatanggap mula sa kanilang mga tagahanga.

  Nakatakda sina Joshua at Jane na magsama sa isang teleserye sa dos na may titulong "Nasaan ka Nang
Kailangan Kita" kasama ang isa pang Pbb All In housemate na si Loisa Andalio. Kaabang-abang din ang muling pagbabalik ni Jane Oineza sa Maalaala Mo Kaya sa Sabado(October 25, 2014).



By Mang Jose
(masarapmagingpinoy.blogspot.com)