Sa bawat rebound, dribble, pasa, at shoot na binibitiwan nina Blatche, Castro, Pingris, Norwood, Jeff Chan atbp., makapigil hininga ang suspense na nararamdaman nating mga Pinoy. Kahanga-hanga din ang supporta na ipinapakita ng ating mga kababayang OFW na nagbibigay ng lakas at supporta sa mga players sa pamamagitan ng pag cheer mula sa stands.
Hindi man nagwagi ang koponan naipakita naman nila sa buong mundo ang husay at tapang ng Pinoy. laban talaga kung laban ang mga players kahit lamang na lamang ang mga banyaga pagdating sa height na isa sa mga mahahalagang aspeto ng larong Basketball. Kahit sa paliga sa baranggay kitang-kita ang kalamangan ng mga matatangkad pagdating sa sport na ito.
Sa pamamagitan ng bilis, tiwala sa isa't-isa, at mabuting paghahanda ng coaching staff, nagagawa ng Gilas na makipagsabayan sa mga higher ranking teams sa FIBA. 34th lamang ang Pilipinas sa FIBA ranking habang ang Croatia ay 16th at ang Greece ay isa sa pinakamalakas na team sa buong mundo na nasa ika limang pwesto (5th). Napakalaking bagay na nagawa ng GILAS na panatilihing dikit ang score at ang hindi matambakan ng husto. Kahit sino siguro na may kaalaman sa larong basketball ay hindi maikakaila na may laban ang manlalaro natin sa mga dayuhan. Susunod na makakalaban ng Gilas ang pamosong koponan ng Argentina na no.3 sa buong mundo at kilala sa pagtalo sa mga NBA players ng Team USA noong 2004 at pagkapanalo ng Gold sa Olympics.
Hindi matatawaran ang sakripisyo at paghihirap ng mga player para sa bayan. Bagamat pagod na ang karamihan ng mga players galing sa mahabang season ng PBA ay todo banat parin sila pagdating sa hardcourt. Pambihira din ang dedikasyon at puso na ipinapakita ng naturalized player na si Andray Blatche. Kahit injured ay pinili nyang maglaro sa court dahil sa paghanga nya sa kanyang mga kakampi na bagamat mas maliliit ay lumalaban ng sabayan sa malalaking Europeans. Kung may duda pa sa pagkakasali ni Blatche sa Gilas ay napatunayan na ng malaking mama na hindi nagkamali ang Pilipinas sa pagtanggap sa kanya bilang Filipino.
Kapuri-puri din ang ipinakitang galing ni coach Chot Reyes sa ppagdala sa team sa puntong ito ng kasaysayan ng Basketball sa Pilipinas. Saludo ang marami sa husay at dedikasyon ni coach chot at ng kanyang staff. Gayun din sa mga pamunuan ng kopononan.
Masarap makita na nagbunga ang programa na kanilang sinimulan para sa bayan. Ang sarap isigaw ang mga salitang "Laban Pilipinas! Puso!" habang nanunood ng mga laban. Ang sarap maging Pinoy.
By: Mang Jose (masarapmagingpinoy.blogspot.com)