Pages

Friday, October 24, 2014

3 reasons kung bakit magiging success ang JOSHANE.

video credit to joshane OFC / Youtube


   Ilang buwan na rin ang nakalipas mula ng matapos ang Pinoy Big Brother All In.  Isa sa mga naging pinaka napag-usapan na housemate ay ang teen celebrity na si Jane Oineza. Kilala si Jane bilang dating child star  at miyembro ng kiddie program ng ABS CBN na Going Bulilit. Umani rin siya ng papuri at pagkilala para sa kanyang mahusay na pagganap bilang Nene sa episode na Manika ng Maalaala Mo Kaya noong 2012.

  Isa si Joshua Garcia sa mga naging malalapit na kaibigan ni Jane sa loob ng Big Brother house. Sa gitna ng ibat-ibang mga pagsubok at issues na hinarap ni Jane sa loob ng bahay ni kuya, laging naka suporta at naka-alalay ang binata mula sa Bauan, Batangas sa kanya. Dahil sa pagiging malapit ng dalawa, nakakuha sila ng maraming supporters na hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin na nagma-mahal sa kanila.
 Tinatawag na JOSHANE ang kanilang team-up ng kanilang mga fans.

  Hindi natin masasabi kung ano ang mangyayari sa kinabukasan lalo na't hindi naman tayo manghuhula pero sa aking paningin ay malaki ang posibilidad na maging success ang  JOSHANE.
  Ito ang aking mga rason;

1.) Chemistry.
 
  Importante para sa isang Love-Team o palabas na may malakas na chemistry ang mga bida. Kahit parehas
maganda at guwapo ang mga artista kapag hindi naman sila bagay ay mahirap mag-succeed ang kanilang mga palabas. Nakagawian na kasi ng mga Pinoy viewers ang kiligin sa mga paborito nilang team-ups. Ang chemistry na nagpapa-kilig sa mga fans ay isa sa pinaka importanteng dahilan kung bakit sinusuportahan at pinapanood ang mga Love-Teams.
  Napatunayan na ang chemistry ng JOSHANE noong sila ay nasa loob pa lamang ng Bahay Ni Kuya. Makailang beses naging usap-usapan ang mga kilig moments ng dalawa pati na rin ang kanilang mga tampuhan. Masasabing ang "away-bati" love story ng dalawa sa loob ng PBB ang isa sa mga naging interesanteng topics ng big brother season.

2.) Acting Ability / Potential

  Kahit sobrang lakas na ng chemistry ng isang love-team, napaka laking factor pa rin na mabigyan nila ng buhay ang mga karakter na kanilang gagampanan. Ang kanilang husay at epektibong pagganap ay magiging isa sa mga sukatan kung patuloy silang panonoorin ng mga viewers. Ang aspetong ito sa aking pananaw ay magiging magandang advantage para sa JOSHANE.
  Matagal nang napansin ang kagalingan ni Jane sa larangan ng acting. Napakarami na ring manonood ang kanyang napa-iyak sa mga hindi niya malilimutang performances sa Maalaala mo Kaya.
  Habang si Joshua naman ay napansin na din ang natural na potensyal sa acting nang mapasali sa weekly task na Short Film sa PBB  kasama ang batikang direktor na si Ms. Cathy Garcia-Molina. Marami ang nakapansin sa expressive eyes ng binata na isang natural na katangian para maging epektibong dramatic actor.
  Sa pamamagitan ng hard work, workshops, at mahusay na paghubog ng Star Magic, malayo ang mararating ng dalawa kung acting lang ang pag-uusapan.


3.) Fans / Supporters.


  Sa huli, ang mga taga-hanga pa rin ang magdadala sa isang Love-Team. Masasabing isa sa mga pinaka aktibo na fandoms ang JOSHANE sa social media lalo na sa "Twitter". Hindi ko mabilang kung ilang beses na nag trend ang JOSHANE. Nagkaroon din ng isang matagumpay na "Grandest Get Together" na siyang inorganisa ng kanilang mga fans para sa kanilang dalawa, ilang kilalang tao na part ng ABS, Dreamscape at Star Cinema pati  na rin mga miyembro ng press. Magiging malaking tulong para sa team-up ng dalawa kung patuloy na magiging masugid ang kanilang mga supporters.

  At sa mga kadahilanang ito kung kaya ako naniniwala na maganda ang hinaharap ng JOSHANE lalo na at mainit ang supporta na kanilang natatanggap mula sa kanilang mga tagahanga.

  Nakatakda sina Joshua at Jane na magsama sa isang teleserye sa dos na may titulong "Nasaan ka Nang
Kailangan Kita" kasama ang isa pang Pbb All In housemate na si Loisa Andalio. Kaabang-abang din ang muling pagbabalik ni Jane Oineza sa Maalaala Mo Kaya sa Sabado(October 25, 2014).



By Mang Jose
(masarapmagingpinoy.blogspot.com)

Wednesday, October 22, 2014

Legendary 90's Purefoods team ng PBA.

   

   Muling ibinalik ng  San Miguel Pure Foods Company, Inc ang pangalang Purefoods sa PBA. Mula San Mig Coffee Mixers makikilala ngayon ang prankisa sa pangalang Purefoods Star Hotshots. Maituturing na successful ang tinaguriang James Yap era ng prankisa at sa katunayan ay kagagaling lang ng team sa Grand Slam sa ilalim ng mahusay na pamumuno ni Coach Tim Cone. Ngunit hindi rin malilimutan ng mga loyal fans ng prankisa ang mga players at coaches noong 90's.

  Hanggang sa ngayon kapag naririnig ko ang  mga salitang Purefoods at Basketball na magkasama ay naaalala ko pa rin ang mga sikat na players ng  team noong 90's gaya nina Captain Lionheart Alvin Patrimonio, Jerry Codiñera, Rey Evangelista, Dindo Pumaren, Bong Ravena, Olsen Racela atbp.  Isa sa mga pinaka mahusay na teams noong 90's ang Purefoods lalong-lalo na pagdating sa All-Filipino Conference. Naglaro din para sa purefoods ang iba pang mga sikat na players gaya nina El Presidente Ramon Fernandez, Abet Guidaben, Bernie Fabiosa, Freddie Hubalde, Jojo Lastimosa, Glen Capacio, Vince Hizon, Boy Cabahug, etc.

(video credit to uploader Czar Julius from Youtube)

    Sa dinami-dami ng magagaling na players na naglaro sa Purefoods franchise, si Alvin Patrimonio pa rin talaga ang masasabing pinaka-tumatak sa tao. Sa kanyang leadership at hardwork na ipanakita sa basketball court, natulungan niya ang kanyang koponan na makapaglaro at manalo ng maraming Championships. Hirap na hirap noon ang mga kalaban na limitahan ang opensa ni Patrimonio dahil sa galing niya sa low-post area. Sa pamamagitan ng kanyang spin moves at mahusay na pag gamit ng kanyang pivot foot, maituturing na isang matinding pwersa si kapitan sa low post  area. Nakamit niya ang PBA Most Valuable Player ng apat na beses at makailang ulit din siyang naging Mythical Team member.  Kahit sobrang dami ng taga-hanga, si Cap. Alvin ay isa sa mga mapagkumbabang players at sportsman ng liga.

  Kung si Patrimonio ang maituturing na pambato ng Purefoods, hindi rin pahuhuli si Jerry Codiñera. Siya ang
nagsilbing isa sa mga haligi ng team at ang kanyang  inside defense,rebounding, at magandang partnership kay Alvin ang nagbigay ng Twin-tower presence sa prankisa at nagdala sa kanila sa Championships. Dahil sa kanyang pagiging terror sa depensa lalo na sa ilalim ng basket, binigyan siya ng moniker na "Defense Minister". Kasama si Alvin, isa rin si Jerry sa mga tinanghal na 25 Best Players of all Time of PBA.
    Sa sikat ng partnership ng dalawa sa court, nakasama sila sa ilang mga sikat na pelikula noong 90's. 

   Sa kasalukuyan ay nagsisilbi pa rin si Alvin Patrimonio sa Purefoods bilang team Manager. Habang sa ika 9 ng Nobyembre ngayong 2014 ay makakasama na ng numero ni Kap na #16 ang mga numerong #44 at  #7 bilang mga retired numbers ng team kasama sina Jerry Codiñera at Rey Evagelista.


By Mang Jose
(masarapmagingpinoy.blogspot.com)

15 year old Filipino-American Singer Katriz Trinidad making waves on the Voice US.


Katriz Trinidad aged 15 is making her mark on the seventh season of The Voice US. Featuring coaches Adam Levine, Gwen Stefani, Pharrell Williams and Blake Shelton, the show is one of the most popular reality television singing competitions in the States. Katriz was born to a Filipino family who lives in San Diego Area/ Chula Vista, California that originated from Batangas, Philippines. With her beautiful charm and amazing voice she is sure to captivate everyone.
 
   She first wowed the audience and coaches when she sang Etta James'  "At Last" and got a three-chair turn from the coaches on her blind audition (Adam Levine was reported to have a full team by the time she auditioned; the auditions weren't shown in order on tv according to some reports). She received wonderful praises from the coaches.
   "I never thought that I would find something that I'd usually look for my own label; that I'd been dreaming for an artist like you all my career," said Pharrell Williams. "Just remember these words: I want you on my team so bad and I've never done this. I'm on my knee."
   Blake Shelton, the winning-est coach in the Voice, offered his thought; "All of us, at the back of our minds, keep the hope alive that somehow we’ll find someone who was born to be a star and I really think you could be that person. You're so different. You deserve to win this thing,"
  Gwen Stefani had kind words for her as well ; "You started of soft and controlled and then you hit a note that was so beautiful and it was just mind blowing. And to find out that it’s from a 15-year-old voice, it’s hard to really take it all in,"
  Pharrell wrote the word 'Please' on his notebook to further convince her. The young Filipina then picked Williams as her coach.

   During the battle rounds she got to work with one of her idols, Alicia Keys, who was helping Pharrell coach his artists. She was pitted against Nigerian Singer-Songwriter Blessing Offor. Though he is visually impaired, like Katriz he also possess an amazing voice and is a charismatic singer. The song they performed was Stevie Wonder's "Do I Do". Although the song suited Blessing more, Katriz was able to win the battle and continue with team Pharell and move on to the next stage of the competition while Blessing was stolen by Adam.

  As fellow Filipinos we can't help but feel pride whenever we see our countrymen doing well in other countries. Katriz Trinidad is showing the world how talented Pinoys are and we can show her our support as she continues her journey on the Voice season 7.  She is an amazing singer with a very beautiful future. Go Katriz!


By Mang Jose
(masarapmagingpinoy.blogspot.com)

Tuesday, October 21, 2014

Star Cinema's The Trial: Nagbigay ng Pag-asa sa Pelikulang Filipino.




  Kung imkukumpara ang industriya ng pelikula sa ngayon at noong 80's at 90's, masasabing hindi na kasing sigla tulad ng dati ang pelikulang Pinoy. Bukod sa kaunti na lang ang mga ipinapalabas na main-stream movies at production outfits, tila nakulong na sa mga istorya ng pangagaliwa sa asawa, komedya, rom-coms at horror ang mga ipinapalabas. Bagama't patuloy pa rin na tinatangkilik ng mga manonood ang mga ganitong klase ng pelikula, nalilimitahan naman ang mga  manonood.
 
  Maituturing na isang sugal ang paglabas ng Star Cinema nang pelikulang ito. Naiiiba kumpara sa mga nakasanayan nang palabas na Rom-Coms at Comedies na siguradong pa-patok sa takilya at mga fans. Bagama't makailang ulit ng napatunayan ni John Lloyd Cruz ang kanyang hatak sa mga manonood, hindi pa rin nasusubukan kung tatangkilikin ang isang bago at naiibang tema na pelikula.

  Napakaganda ng feedback ng The Trial at nagandahan ng husto ang mga manonood.  Sa husay ng panunulat at pambihirang pag-ganap ng cast ay nabigyang buhay ni Direk Chito Roño ang isang kwento ng pag-ibig at pagpapatawad.  Maituturing na isang obra ang The Trial at inspirasyon para sa pelikulang FIlipino.

   Hindi natin dapat palampasin ang pelikula kung nais natin na patuloy na gumawa ng ganitong mga bago at
naiibang tema ang mga malalaking production outfits. Nauna na ang Star Cinema sa paghandog ng isang pelikula na naiiba at maipagmamalaki. Ngayon nakasalalay na sa ating mga manonood na sumuporta at tumangkilik. 




By Mang Jose
(masarapmagingpinoy.blogspot.com)

Si Manny Pacquiao at ang Basketball.

(photo from wikimedia/dann_garcia)

 Noong nakaraang araw ng Linggo (October 19,2014) muli na namang lumaban ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao. Sa halip na sa loob ng boxing ring ay sa magkabilang rings ng basketball sumabak ang
Congressman.  Sa harap ng mahigit limampung-libong katao sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan ay naglaro si Pacquiao para sa Kia Sorento sa panalo nito kontra sa Blackwater Elite.

  HIndi maganda ang naging laro ni Manny kung ang stats o mga numero lamang ang pagba-basehan. Naglaro lamang siya ng pitong-minuto at  hindi rin siya nakatira o naka-shoot. Naagawan din si Pacquiao ng bola at ang pinaka tumatak na error niya sa laro ay nang hindi niya masalo ng maayos ang sana'y magandang pasa mula sa rookie na si Joshua Webb na nagresulta sa isang turnover. May mga pumuna na mukhang hindi pang PBA ang skills ni Pacman. Bagama't pambihira ang talas ng mata, bilis, lakas ng katawan at pag-iisip ni Manny, kulang ang kanyang experience at training sa paglalaro ng basketball kumpara sa mga propesyonal na players ng PBA. Hindi rin masyadong focus si Manny sa basketball sa ngayon dahil kasalukuyan siyang naghahanda para sa laban niya kay Chris Algieri sa November 23 sa Macau. Inaasahang magiging husto ang partipasyon ng Boxing Icon sa team matapos ang naturang laban.
 
  Gayunpaman, hindi rin maikakaila na may potensyal si Manny na maging mahusay na basketball player kung magkakaroon lamang siya ng sapat na ensayo, pag-aaral, at karanasan dito. Napakataas ng natural na kakayahan ni Pacman pagdating sa sports.
  
  Hindi rin naman kailangan ng Pambansang Kamao na humakot ng puntos para sa team dahil ang kanyang role ay ang isang Player-Coach. Kung matutulungan niya ang koponan sa pamamagitan ng pag-setup ng mga plays at pagbibigay ng inspirasyon sa kanyang mga players, maituturing na nagawa na niya ng mahusay ang kanyang tungkulin. Ang dedikasyon ni Pacquiao sa pag-eensayo ay magigigng magandang halimbawa rin sa kanyang mga players.
  Pagdating naman sa kanyang kakayahan sa pag-Coach, bagamat hindi kasing lalim ng mga professional coaches ang kaalaman ni Manny sa mga teknikalidad ng sport, mahuhusay naman ang kanyang coaching staff at  mapupunan nila ng maigi ang mga kakulangan sa karanansan ng idolo.  Ang inspirasyon at kaalaman din na maibibigay ni Pacquiao sa kanyang koponan bilang Magiting na Kampyon ay hindi rin matatawaran. Sa larong basketball napakaraming factor na maaring makapag-panalo sa team.

  Bilang isang fan masasabi ko na maganda ang naging laro ni Manny dahil naparakaraming tao ang kanyang
napasaya noong Linggo. Maririnig ang excitement at cheers ng mga fans sa tuwing mahahawakan niya ang bola. Masaya na rin ako kahit hindi pa kasing galing ni James Yap si Pacquiao. Ang importante napapanood ko ang idolo ko na masayang naglalaro ng basketball.

  Masasabing positibo ang epekto ng pagpasok ng kampyon sa PBA.. Malapit kasi sa puso ng mga Pinoy ang laro at gayundin din si Manny. Sa pagpasok ng koponang KIA sa PBA nagkaroon din ng mas maraming opurtunidad ang mga players na makapaglaro. Maari rin na madagdagan ang mga taga-hanga ng liga dahil sa atensiyon na madadala ni Pacquiao sa liga.


By Mang Jose
(masarapmagingpinoy.blogspot.com)